|
CURRENT MOOD
![]()
Archives
creds
|
updated on: Friday, October 31, 2008|8:30 PM
Yun pala yon. K. Galing na ako ng school namin kanina para magpa-encode. Iba na talaga 'pag nangunguna, ang bilis matapos. Nagplano-plano pa kami na kukuha ng ibang subject sa Block B huh. Plan B pa kayo ah. ;)) Ang hirap kasi gumising ng maaga ee. Tsaka gusto rin naman namin ma-try magpanghapon. Pero ayun, di rin naman natuloy dahil takot maghiwa-hiwalay. Syempre mahal namin ang isa't isa eh. Weh? Haha. Drama pa ni Bernard kagabi oh. Nyaha. Basta pag sama-sama, mas masaya. Naks. Nasabi na ni G ang dapat kong malaman. Ayun, biglang nalungkot ang lola mo. Haha. Pero ayos lang naman kung ganun nga, alam ko naman kasi na chick boy talaga yung hinayupak na lalaking yun. Wala na 'kong magagawa kung ganun talaga siya. Basta, simula ngayon 'di ko na siya kilala. Back to being strangers again. Hahah. =D Magpapamember sana ako sa video city kanina, kaso 18 and above na dapat para wala nang echoz pa sa parent. Dapat magkukunwari na lang akong 18 na ako eh, para dirediretso na, kaso ayun 'di ko nagawa. Kasi naman, nakonsensiya pa raw magsinungaling. Haha. Baka kasi mahuli eh. Hihi Nagliwaliw kami kanina ng mudra ko. Pupunta dapat kami sa Royal, kaso ayun tinamad kasi nalayuan. Napunta kami sa Ocampo's. Habang papunta kami dun may nakita akong cute, balloons! Uy cute yun ah promise. Di ko nga napigilang di titigan eh, natanong tuloy ako ng tindera kung bibili ba ako, kung wala lang mga tao bibili sana ako eh. Haha joke. Ang cute kasi ee. Napadpad na kami sa Rusty, uy may nakita na naman ako, isang kakilala, hindi ko akalain mangangalabit siya huh, at nung pag tingin ko sa kanya.. shet ang gwapo niya. Haha. Kahit mataba siya. Yeeha. *Kilig kilig* Nung nakabili na kami ng bulaklak sa palengke, nauwi na kami. Aalis pa sana ulit kami ng mudra ko, kaso ayun tinamad na. Umaambon kasi eh. Ahah. Ang hirap talaga kalabanin ang katamaran. Eheh xoxo 0 comments
updated on: Thursday, October 30, 2008|12:43 AM
wHy. whY. Why. I have this feeling, kahapon pa 'to at hanggang ngayon ganito. Yung laging kinakabahan, yung parang laging naginginig yung puso mo. Basta ganun ang hirap i-explain. Hindi ko naman alam kung bakit, hay bakit kaya. Weird. xoxo 0 comments
updated on: Wednesday, October 29, 2008|5:59 PM
Apple Green. Waa. I really, really miss my cell phone. Oo pakal ng mukha ko i-display pa yan dito, alam ko 3230 LANG yan, lumang model ng Nokia. Bulok at laspag na kung maituturing, pero hindi yun yon eh, nami-miss ko yan dahil naglalaman yan ng mahahalagang impormasyon. Katulad ng mga favorite website ko, hindi ko pa naman saulo mga yun. Listahan kung kailan birthday ng mga kaibigan, mga user name at password, yung mga nakalagay sa calendar, at yung mga favorite quotes ko na nakaipon sa isang folder. May gali, kung bakit kasi kailangan pang masira ee. Hayy.. Ang tagal gawin, dun pa kasi pinagawa ng mudra ko sa kakilala niya eh. Kainip na ah. Kung magrereklamo naman ako baka pagalitan lang ako. Bayanah.[I took this picture while my classmates are practicing their dance. Kay Aneng, sa'kin at kay Krixie ang mga cell phone na yan. Colorful kasi kaya napagtripan kong picturan.] xoxo 2 comments
updated on: |3:45 PM
Bago na naman. Hello there! Oo bago na naman. Grabe. Eto na talaga. Hindi na talaga ako magpapalit ng blog. Eh kasi naman, ang bantot pakinggan ng ashane14. Haha. Wala lang kasi akong maisip nung mga panahong yun kaya yun nilagay ko. Pero ngayon, eto na talaga gagamitin ko. Promiiisee. :) Anong pinagkakaabalahan ko ngayong sembreak? Ayun, pag gising pa lang ng umaga, ay mali tanghali na pala ako nagigising. ;)) Kakain lang, konting linis ng bahay at pagtapos maglunch computer na ang kaharap. Halos ayoko na tumayo dito, kahit iwanan ako ng mga kasama ko dito sa bahay wala akong pake. Haha. Mas masaya pa nga yun eh dahil walang nang-iistorbo sa'kin. At yung unli ko, sayang rin, 'di ko nagagamit kasi busy sa pag-iinternet. Ang dami ko kasing balak gawin eh, 'di ko na nga halos alam kung anong uunahin ko. Sabi ng isang kaibigan marami pa namang araw, eh sa mga susunod na araw kasi busy na talaga ako. Dahil enrollment at mga gala kasama ang barkada. At speaking of barkada. Hay naulit na naman ang lagi kong pinoproblema, hindi ko alam kung sino una kong sasamahan. Syempre gusto ko naman kasi always present sa mga gala. Ayoko kasing may nami-miss. Pero ayun nga, dapat mamili lang kung kanino ako sasama. Hayy kung pwede lang akong laging ginagabi lahat ng gala sasamahan ko, kaso hindi eh, strict kasi parents ko. Hay bahala na nga. xoxo 0 comments |