CURRENT MOOD
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

Archives
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • creds

    Layout: TM|DD
    Inspiration/icon: minty-peach&gaffe

    Free Web Site Hit Counter
    updated on: Monday, November 24, 2008|9:45 PM
    :)

    uhh.. na-miss ko na ang nag-blog at mag-blog-hopping!
    kasi naman, super busy ako.
    hindi lang sa school.
    pati sa aking business.
    saka ko na lang siguro ikukwento.
    ang saya kumita sa UNO!!
    nyahah

    at.. nagbabalak rin akong palitan ulit 'tong layout.
    kapag lang talaga marami na akong time.
    mahaharap ko rin 'to.
    grabe..
    oh xa.. :)
    xoxo

    0 comments
    updated on: Thursday, November 13, 2008|8:30 AM
    high-heeled shoes

    First time kong gumamit ng two inches high-heeled shoes ngayong araw na 'to. Jusko. Nakailang hakbang pa lang ako simula sa bahay namin, medyo may naipit na yatang ugat sa paa ko. Grabe, bakit kasi yun pa ang binili kong sapatos. Hindi ko naman akalain na... huhu. Pero, kailangan ko na raw masanay, kaya sisikapin kong matuto maglakad ng maayos kapag gamit 'yong kasumpa-sumpang takong na 'yon.
    xoxo

    0 comments
    updated on: Monday, November 10, 2008|10:58 PM
    Stressful day.

    First day of school ngayon and like what I expect, walang prof na pumasok. Ang saya diba. Sayang lang yung paggising namin ng maaga. [weh? maaga raw.] Lagi namang ganun, tuwing first day of class, wala pa halos mga prof. Kaya ayun, sanay na kami. Chikahan ever lang, syempre na-miss ang isa't-isa. Date sa Mcdo and then after 'nun, nakipaglibing kami sa ka-batch naming yumao na because of car accident. His name is Ron Jovi. Actually, hindi kami close, hindi kami magkakilala, lagi ko lang siyang nakikita sa school dati lalo na 'pag CAT time. Pero nakiramay na rin ako kasi nalungkot rin naman ako sa nangyari sa kanya, ang bata niya pa kasi, he's only 17 years old. Pero, ganun talaga ang buhay. Isang aksidente 'yun at walang gustong mangyari 'yung ganun.

    Kinahapunan, nakipagtagpo naman ako kay Karla, my bff. Nag-ikot kami sa palengke para bumili ng mga kagamitan para sa corporate attire namin hangggang sa napadpad sa night market para tumingin ng bag niya. Kung makapagliwaliw kami parang walang bagyo, wala pa man din kaming dalang payong. Masisipag kasi eh. Bumabagyo na nun, may gusto pang kumuha ng number ko, syempre hindi ko binigay, hindi ko naman kasi siya kilala. Ang kulang na lang ng mga panahong 'to ay shampoo at sabon, tapos pwede na kaming maligo.
    xoxo

    0 comments
    updated on: Sunday, November 2, 2008|11:56 PM
    happy birthday, moma

    Dahil kaarawan ng aking beloved mother, lumabas kaming pamilya, punta ng Sam's para dun i-celebrate kasama yung dalawang kaamiga ng aking ina at 'yung girlfriend ng kuya ko. Enjoy na sana eh, nasabihan pa kasi akong ninoy ng vocalist ng banda na puro matatanda ang miyembro. Ninoy kasi naka-kulumbaba ako sa mesa habang nagpe-perform sila. Eh wala lang, hindi ko naman napansin na nakaganun na pala ako. Medyo agaw eksena tuloy. Hehe.
    xoxo

    0 comments
    updated on: |2:15 PM
    Enjoy ang first day ng November

    Happy Halloween!!
    Nag-enjoy ako ngayong araw na 'to. Promissee.. Ganito kasi yun, hindi ako sumama sa aking pamilya para dalawin yung mga kamag-anak naming yumao na, at pag-alis nila, hindi ko rin natiis na hindi umalis ng bahay, natakot mag-isa sa bahay. Haha. Kaya ayun, gumala na lang ako. Pero bago yun, dumalaw muna ako sa kaibigan kong yumao na. Grabe baka nga raw dalawin ako ng lolo ko dahil siya hindi ko dinalaw. Pero di naman siguro niya gagawin yun. Eheh. Tambay kami ni Joanne sa sementeryo hanggang mga bandang 10:00pm. May bago akong nakilala, si TanTan, tropa ni Joanne. Kulit din ng taong 'to. Parang ewan lang. Haha. Pakaraming tao kahit gabi na. Pumutok pa nga yung poste ng kuryente 'non, at katakot grabe huh. First time kong maka-encounter ng mga ganung eksena. Pakadilim tuloy sa daan. Wala man lang akong nakitang Block Ayer dun kundi malamang si Racel lang. After sa cemetery, diretsong Magsaysay, sa night market. Napasakay tuloy sa roller coaster nang wala sa balak. Okei na 'ko sa roller coaster, kesa naman dun sa viking. Haha. After nun, punta na ng boardwalk/sidewalk o kung ano na ang tawag dun ngayon, para sa concert ng Brown Man Revivals. Habang papunta run, napagkwentuhan ang tungkol sa shooting star. Nang dahil sa dalawang yan, titingin na tuloy ako lagi sa langit pag naglalakad. Baka kasi sakaling makakita ng shooting star. Haha. Nakasalubong pa namin nun si Jayson. At may nalaman ako sa kanya. Hay kainis huh. Yaan na nga. Medyo maaga-aga pa nun kaya tambay muna sa park, kwentuhan ng kung anu-ano. Maya-maya nakaramdam ng gutom kaya kain mode muna. Joanne talaga ang takaw, napagastos tuloy ako nang wala sa oras. Hahaha. 'Pag balik namin, nagsisimula na yung concert. Ang cucute ng mga kanta ng Brown Man. Katuwa. After nila, may sumunod pang banda, yung Sopiz. Akala namin taga-dito lang sa Gapo yung bandang yun, 'yun pala hindi, kaya pala ang galing. Isa lang ang nakakapanghinayang nang mga panahong 'to.. SAYANG walang DiGiCAM! Sayang talaga, wala tuloy remembrance. Tsktsk. Mga bandang 1am na 'ko nakauwi, at mabuti naman hindi ako ganong nayari sa mudra ko. Haha. Buti na lang.
    xoxo

    0 comments