CURRENT MOOD
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

Archives
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • creds

    Layout: TM|DD
    Inspiration/icon: minty-peach&gaffe

    Free Web Site Hit Counter
    updated on: Wednesday, October 29, 2008|3:45 PM
    Bago na naman.

    Hello there! Oo bago na naman. Grabe. Eto na talaga. Hindi na talaga ako magpapalit ng blog. Eh kasi naman, ang bantot pakinggan ng ashane14. Haha. Wala lang kasi akong maisip nung mga panahong yun kaya yun nilagay ko. Pero ngayon, eto na talaga gagamitin ko. Promiiisee. :)

    Anong pinagkakaabalahan ko ngayong sembreak? Ayun, pag gising pa lang ng umaga, ay mali tanghali na pala ako nagigising. ;)) Kakain lang, konting linis ng bahay at pagtapos maglunch computer na ang kaharap. Halos ayoko na tumayo dito, kahit iwanan ako ng mga kasama ko dito sa bahay wala akong pake. Haha. Mas masaya pa nga yun eh dahil walang nang-iistorbo sa'kin. At yung unli ko, sayang rin, 'di ko nagagamit kasi busy sa pag-iinternet. Ang dami ko kasing balak gawin eh, 'di ko na nga halos alam kung anong uunahin ko. Sabi ng isang kaibigan marami pa namang araw, eh sa mga susunod na araw kasi busy na talaga ako. Dahil enrollment at mga gala kasama ang barkada. At speaking of barkada. Hay naulit na naman ang lagi kong pinoproblema, hindi ko alam kung sino una kong sasamahan. Syempre gusto ko naman kasi always present sa mga gala. Ayoko kasing may nami-miss. Pero ayun nga, dapat mamili lang kung kanino ako sasama. Hayy kung pwede lang akong laging ginagabi lahat ng gala sasamahan ko, kaso hindi eh, strict kasi parents ko. Hay bahala na nga.
    xoxo