CURRENT MOOD
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

Archives
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • creds

    Layout: TM|DD
    Inspiration/icon: minty-peach&gaffe

    Free Web Site Hit Counter
    updated on: Friday, October 31, 2008|8:30 PM
    Yun pala yon. K.

    Galing na ako ng school namin kanina para magpa-encode. Iba na talaga 'pag nangunguna, ang bilis matapos. Nagplano-plano pa kami na kukuha ng ibang subject sa Block B huh. Plan B pa kayo ah. ;)) Ang hirap kasi gumising ng maaga ee. Tsaka gusto rin naman namin ma-try magpanghapon. Pero ayun, di rin naman natuloy dahil takot maghiwa-hiwalay. Syempre mahal namin ang isa't isa eh. Weh? Haha. Drama pa ni Bernard kagabi oh. Nyaha. Basta pag sama-sama, mas masaya. Naks.

    Nasabi na ni G ang dapat kong malaman. Ayun, biglang nalungkot ang lola mo. Haha. Pero ayos lang naman kung ganun nga, alam ko naman kasi na chick boy talaga yung hinayupak na lalaking yun. Wala na 'kong magagawa kung ganun talaga siya. Basta, simula ngayon 'di ko na siya kilala. Back to being strangers again. Hahah. =D

    Magpapamember sana ako sa video city kanina, kaso 18 and above na dapat para wala nang echoz pa sa parent. Dapat magkukunwari na lang akong 18 na ako eh, para dirediretso na, kaso ayun 'di ko nagawa. Kasi naman, nakonsensiya pa raw magsinungaling. Haha. Baka kasi mahuli eh. Hihi

    Nagliwaliw kami kanina ng mudra ko. Pupunta dapat kami sa Royal, kaso ayun tinamad kasi nalayuan. Napunta kami sa Ocampo's. Habang papunta kami dun may nakita akong cute, balloons! Uy cute yun ah promise. Di ko nga napigilang di titigan eh, natanong tuloy ako ng tindera kung bibili ba ako, kung wala lang mga tao bibili sana ako eh. Haha joke. Ang cute kasi ee. Napadpad na kami sa Rusty, uy may nakita na naman ako, isang kakilala, hindi ko akalain mangangalabit siya huh, at nung pag tingin ko sa kanya.. shet ang gwapo niya. Haha. Kahit mataba siya. Yeeha. *Kilig kilig*

    Nung nakabili na kami ng bulaklak sa palengke, nauwi na kami. Aalis pa sana ulit kami ng mudra ko, kaso ayun tinamad na. Umaambon kasi eh. Ahah. Ang hirap talaga kalabanin ang katamaran. Eheh
    xoxo