CURRENT MOOD
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

Archives
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • creds

    Layout: TM|DD
    Inspiration/icon: minty-peach&gaffe

    Free Web Site Hit Counter
    updated on: Sunday, November 2, 2008|2:15 PM
    Enjoy ang first day ng November

    Happy Halloween!!
    Nag-enjoy ako ngayong araw na 'to. Promissee.. Ganito kasi yun, hindi ako sumama sa aking pamilya para dalawin yung mga kamag-anak naming yumao na, at pag-alis nila, hindi ko rin natiis na hindi umalis ng bahay, natakot mag-isa sa bahay. Haha. Kaya ayun, gumala na lang ako. Pero bago yun, dumalaw muna ako sa kaibigan kong yumao na. Grabe baka nga raw dalawin ako ng lolo ko dahil siya hindi ko dinalaw. Pero di naman siguro niya gagawin yun. Eheh. Tambay kami ni Joanne sa sementeryo hanggang mga bandang 10:00pm. May bago akong nakilala, si TanTan, tropa ni Joanne. Kulit din ng taong 'to. Parang ewan lang. Haha. Pakaraming tao kahit gabi na. Pumutok pa nga yung poste ng kuryente 'non, at katakot grabe huh. First time kong maka-encounter ng mga ganung eksena. Pakadilim tuloy sa daan. Wala man lang akong nakitang Block Ayer dun kundi malamang si Racel lang. After sa cemetery, diretsong Magsaysay, sa night market. Napasakay tuloy sa roller coaster nang wala sa balak. Okei na 'ko sa roller coaster, kesa naman dun sa viking. Haha. After nun, punta na ng boardwalk/sidewalk o kung ano na ang tawag dun ngayon, para sa concert ng Brown Man Revivals. Habang papunta run, napagkwentuhan ang tungkol sa shooting star. Nang dahil sa dalawang yan, titingin na tuloy ako lagi sa langit pag naglalakad. Baka kasi sakaling makakita ng shooting star. Haha. Nakasalubong pa namin nun si Jayson. At may nalaman ako sa kanya. Hay kainis huh. Yaan na nga. Medyo maaga-aga pa nun kaya tambay muna sa park, kwentuhan ng kung anu-ano. Maya-maya nakaramdam ng gutom kaya kain mode muna. Joanne talaga ang takaw, napagastos tuloy ako nang wala sa oras. Hahaha. 'Pag balik namin, nagsisimula na yung concert. Ang cucute ng mga kanta ng Brown Man. Katuwa. After nila, may sumunod pang banda, yung Sopiz. Akala namin taga-dito lang sa Gapo yung bandang yun, 'yun pala hindi, kaya pala ang galing. Isa lang ang nakakapanghinayang nang mga panahong 'to.. SAYANG walang DiGiCAM! Sayang talaga, wala tuloy remembrance. Tsktsk. Mga bandang 1am na 'ko nakauwi, at mabuti naman hindi ako ganong nayari sa mudra ko. Haha. Buti na lang.
    xoxo