CURRENT MOOD
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

Archives
  • October 2008
  • November 2008
  • December 2008
  • January 2009
  • February 2009
  • creds

    Layout: TM|DD
    Inspiration/icon: minty-peach&gaffe

    Free Web Site Hit Counter
    updated on: Monday, November 10, 2008|10:58 PM
    Stressful day.

    First day of school ngayon and like what I expect, walang prof na pumasok. Ang saya diba. Sayang lang yung paggising namin ng maaga. [weh? maaga raw.] Lagi namang ganun, tuwing first day of class, wala pa halos mga prof. Kaya ayun, sanay na kami. Chikahan ever lang, syempre na-miss ang isa't-isa. Date sa Mcdo and then after 'nun, nakipaglibing kami sa ka-batch naming yumao na because of car accident. His name is Ron Jovi. Actually, hindi kami close, hindi kami magkakilala, lagi ko lang siyang nakikita sa school dati lalo na 'pag CAT time. Pero nakiramay na rin ako kasi nalungkot rin naman ako sa nangyari sa kanya, ang bata niya pa kasi, he's only 17 years old. Pero, ganun talaga ang buhay. Isang aksidente 'yun at walang gustong mangyari 'yung ganun.

    Kinahapunan, nakipagtagpo naman ako kay Karla, my bff. Nag-ikot kami sa palengke para bumili ng mga kagamitan para sa corporate attire namin hangggang sa napadpad sa night market para tumingin ng bag niya. Kung makapagliwaliw kami parang walang bagyo, wala pa man din kaming dalang payong. Masisipag kasi eh. Bumabagyo na nun, may gusto pang kumuha ng number ko, syempre hindi ko binigay, hindi ko naman kasi siya kilala. Ang kulang na lang ng mga panahong 'to ay shampoo at sabon, tapos pwede na kaming maligo.
    xoxo